WEATHER UPDATE | Bagyong Rosita, bahagyang humina; Signal no. 1, nakataas na 23 lalawigan

Bahagyang humina ang typhoon Rosita habang papalapit ng kalupaan.

Huling namataan ang bagyo sa layong 645 kilometers silangan ng Tuguegarao, Cagayan.

Mayroon itong lakas ng hanging nasa 180 kilometers per hour at pagbugsong nasa 22 kph.


Kumikilos ito pa-kanluran sa bilis na 20 kph.

Nakataas ang tropical cyclone warning signal number 1 sa sumusunod:

Ilocos Norte
Ilocos Sur
La Union
Pangasinan
Abra
Apayao
Benguet
Ifugao
Kalinga
Mountain Province
Batanes
Cagayan (kasama ang Babuyan Group of Islands)
Bulacan
Nueva Ecija
Pampanga
Tarlac
Isabela
Nueva Viscaya
Quirino
Aurora
Northern Quezon (kasama ang Polillo Island)
Rizal
Camarines Norte
Inaasahang magla-landfall ang bagyong Rosita sa bahagi ng Isabela-Cagayan Area Bukas, Oktubre 30.

Sa susunod na weather bulletin ng DOST-PAGASA ngayong umaga, inaasahang itataas sa signal number 2 ang Cagayan, Isabela, Quirino, at Aurora habang signal number 1 sa Metro Manila.

Mamayang gabi ay inaasahang mararamdaman na ang malalakas na ulang dala ng bagyo sa silangang bahagi ng hilaga at gitnang Luzon.

Inaasahang lalabas ang bagyo sa Huwebes, Nobyembre a-uno.
Samantala, sinuspinde na ang klase sa mga sumusunod na lugar ngayong araw dahil sa inaasahang epekto ng bagyong Rosita.

All levels
Cagayan Province
Isabela Province

Facebook Comments