WEATHER UPDATE | Bagyong Samuel, bahagyang humina at nag-ikalawang landfall sa Daram, Samar

Nasa bisinidad na ng Daram, Samar ang tropical depression Samuel.

Una itong nag-landfall sa Borongan, Eastern Samar.

Humina ang dala nitong hanging nasa 45 kilometers per hour at may pagbugsong nasa 80 kph.


Bumilis ang kilos nito sa 25 kph sa direksyong west – northwest.

Nakataas pa rin ang *tropical cyclone warning signal number *1 sa sumusunod:
Masbate (kasama ang Ticao Island)
Romblon
Southern Oriental Mindoro
Southern Occidental Mindoro
Palawan (kasama ang Cuyo Island at Calamian Group of Islands)
Northern Samar
Eastern Samar
Samar
Biliran Leyte Northern Cebu
Northern Negros Occidental
Guimaras Iloilo Capiz Aklan Antique
Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Ariel Rojas – magkakaroon pa rin ng malakas na ulan sa Western Visayas, Bicol Region, Mimaropa, at Southern Quezon.

Lalabas ang bagyo sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa madaling araw ng Biyernes.

Facebook Comments