Lumiko pakanluran – hilagang kanluran ang direksyon ng tropical depression Samuel.
Namataan ito sa layong 660 kilometers east – southeast ng Hinatuan Surigao del Sur.
Napanatili nito ang kanyang lakas na nasa 55 kilometers per hour at pagbugsong nasa 65 kph
Bumagal ang kilos nito sa 15 kph.
Nakataas na ang *tropical cyclone warning signal number 1* sa: Surigao del Norte; Surigao del Sur; Agusan del Norte at Dinagat Island.
Posibleng itaas ang tropical cyclone warning signal number 1 sa Southern Leyte at Eastern Samar.
Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Ezra Bulquerin – inaasahang lalakas pa ang bagyo.
Asahan na ang katamtaman hanggang sa malakas na ulan sa Caraga Region, Davao Oriental, Compostela Valley, Southern Leyte, Bohol, Camiguin at Misamis Oriental simula ngayong araw.
Mapanganib para sa mga mangingisda at maliliit na sasakyang pandagat ang pumalaot sa silangang baybayin ng Kabisayaan at Mindanao at sa ilalim ng storm warning signals.
Inaasahang lalabas ang bagyo sa Huwebes, November 22.