Tumama na ng kalupaan ang tropical depression Samuel.
Huling namataan ang bagyo sa layong 30 silangan ng Borongan City, Eastern Samar.
Napanatili nito ang lakas ng hanging nasa 55 kilometers per hour at pagbugsong nasa 65 kph.
Kumikilos ito pa-hilagang kanluran sa 20 kph.
Nakataas ang tropical cyclone warning signam number 1 sa sumusunod:
– Masbate (kasama ang Ticao Island)
– Romblon
– Southern Oriental Mindoro
– Southern Occidental Mindoro
– Palawan (kasama ang Cuyo Island at Calamian Group of Islands)
– Northern Samar
– Eastern Samar
– Samar
– Biliran
– Leyte
– Southern Leyte
– Bohol
– Cebu
– Siquijor
– Negros Oriental
– Negros Occidental
– Guimaras
– Iloilo
– Capiz
– Aklan
– Antique
Asahan ang katamtaman hanggang sa malalakas na ulan sa western Visayas, Bicol Region, Mimaropa, at mga lalawigan ng Cebu, Negros Oriental at Southern Quezon.
Mamayang gabi ay inaasahang nasa Puerto Princesa City, Palawan na ang bagyo.
Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo sa Biyernes ng gabi.