WEATHER UPDATE | Bagyong Samuel, napanatili ang lakas

Napanatili ng tropical depression “Samuel” ang lakas nito habang kumikilos pa-hilagang kanluran ng bansa.

Alas 10:00 kaninang umaga, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 605 kilometers silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Kumikilos ito sa bilis na 15 kilometers per hour taglay ang lakas ng hanging aabot sa 55 kph at pagbugsong 65 kph.


Oras na mag-landfall, asahang lalakas pa ito at posibleng maging tropical storm.

Nakataas na ang tropical cyclone warning signal no. 1 sa Southern Leyte, southern portion ng Samar, southern portion ng Eastern Samar, Bohol, Surigao del Norte, Surigao del Sur, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Islands, Misamis Oriental at Camiguin.

Mahigpit na ipinagbabawal ang paglalayag ng maliliit na sasakyang pandagat sa mga dagat na sakop ng mga nabanggit na lugar.

Facebook Comments