WEATHER UPDATE | Bagyong Samuel, napanatili ang lakas habang papalapit ng Dinagat-Samar-Leyte area

Manila, Philippines – Napanatili ng Tropical Depression Samuel ang lakas at inaasahang magla-landfall sa Dinagat-Samar-Leyte area mamayang gabi.

Huling namataan ang sentro nito, 465 kilometers silangan ng Surigao City, Surigao Del Norte.

Nasa 55 kilometers per hour ang lakas ng hangin nito at ang pagbugso ay Nasa 65 KPH.


Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 KPH.

Nakataas ang *Tropical Cyclone Warning Signal Number 1 *sa sumusunod:
– Masbate (kasama ang Ticao Island)
– Romblon
– Cuyo Island
– Northern Samar
– Eastern Samar
– Samar
– Biliran
– Leyte
– Southern Leyte
– Cebu
– Siquijor
– Negros Oriental
– Negros Occidental
– Guimaras
– Iloilo
– Capiz
– Aklan
– Antique
– Dinagat Islands
– Surigao Del Norte
– Surigao Del Sur
– Agusan Del Norte
– Agusan Del Sur
– Misamis Oriental
– Camiguin

Posibleng itaas na rin ang signal number 1 sa katimugang bahagi ng Mindoro Provinces, Northern Palawan, at Calamian Group of Islands.

Asahan ang malalakas na ulan na posibleng magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa sa CARAGA Region, Northern Mindanao, Eastern Visayas, Central Visayas, at sa mga lalawigan ng Negros Occidental, Davao Oriental, at Compostela Valley.

Mapanganib pa ring maglayag para sa mga mangingisda at maliliit na sasakyang pandagat sa mga lugar na may storm warning signals at sa silangan at katimugang baybayin ng Mindanao.

Facebook Comments