Humina at ganap na lamang na Low Pressure Area (LPA) ang dating bagyong Tomas.
Ang LPA ay namataan sa 1,060 kilometers silangan ng Basco, Batanes.
Paliwanag ni DOST-PAGASA weather specialist Ezra Bulquerin – humina ang bagyo dahil binabasag ito ng hanging amihan.
Dahil din sa amihan bukod sa malamig na panahon, magdadala rin ito ng mga pag-ulan sa hilagang Luzon.
Ang natitirang bahagi ng bansa kasama ang Metro Manila ay magiging maganda ang panahon.
Facebook Comments