Manila, Philippines – Napanatili ng bagyong Urduja ang kanyang lakas bahang patuloy na kumikilos pa-hilaga hilagang silangan sa bilis na pitong kilometro bawat oras.
Namataan ang sentro ng bagyo sa layong 405 kilometers ng silangan ng Guiuan, Eastern Samar.
May lakas pa rin ito na aabot sa 55 kilometers per hour, malapit sa gitna at pagbugso na aabot sa 65 kph.
Ayon sa PAGASA- posibleng maging tropical storm pa si Urduja at magland-fall sa Bicol region o eastern Visayas.
Dahil dito, suspendido na ang klase sa lahat ng antas sa Camarines Sur habang wala na rin pasok sa pre-school hanggang high school sa Albay.
Apektado rin ng masamang panahon ang biyahe ng eroplano ng Cebu Pacific, Manila papuntang Cauayan at pabalik ng Manila.
Facebook Comments