WEATHER UPDATE | Bagyong Urduja, napanatili ang lakas

Manila, Philippines – Patuloy na tumatawid ang bagyong Urduja sa hilagang Palawan.

Huling namataan 195 kilometers silangan-hilagang silagan ng Puerto Princesa City, Palawan.

Taglay pa rin ito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometro kada oras at pagbugsong nasa 75 kilometro kada oras.


Bahagyang bumilis ang bagyo sa 18 kph.

Nakataas na lamang ang signal no. 1 sa Palawan.

Asahan ang kalat-kalat na pag-ulan sa Northern Palawan at Calamian Group of Islands.

Lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Urduja bukas ng umaga o tanghali.

Samantala, binabantayan ang bagong tropical depression na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility.

Kapag pumasok ito, tatawagin itong ‘Vinta’.

Facebook Comments