Manila, Philippines – Napanatili ng bagyong ‘Urduja’ ang lakas nito habang mabagal na kumikilos sa eastern Visayas.
Alas 10:00 kaninang umaga, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 240 kilometers silangan ng Borongan City, Eastern Samar.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 75 kilometers per hour at pagbugsong 90 kph.
Kumikilos ang bagyo pahilagang-kanluran sa bilis na 5 kph.
Nakataas pa rin ang signal number 2 sa northern Samar, Eastern Samar, Samar at Biliran.
Habang signal number 1 sa Catanduanes, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Romblon, Masbate kabilang ang Burias at Ticao Islands, Leyte, Southern Leyte, Northern Cebu, Capiz, Aklan, Northern Iloilo at Dinagat Islands.
Bukas nang umaga o tanghali inaasahang magla-landfall ang bagyo sa bahagi ng Northern Samar o Eastern Samar.