WEATHER UPDATE | Bagyong Vinta, bahagyang lumakas – mga lugar na nasa ilalim ng tropical cyclone warning signal number 1, nadagdagan pa

Manila, Philippines – Ganap ng tropical storm ang bagyong Vinta.

Huli itong namataan sa layong 520 kilometro, silangan ng hinatuan Surigao del Sur.

Lumakas pa ang dala nitong hangin na aabot sa 65 kilometers per hour at pagbugsong 80 kilometers per hour.


Bahayag bumagal ang kilos nito sa bilis na 18 kph sa direksyong pa-kanluran.

Nakataas na ang tropical cyclone warning *signal number 2*:
Surigao del Sur.

*Signal number 1* naman sa:
Southern Leyte
Dinagat Islands
Surigao del Norte
Agusan del Norte
Agusan del Sur
Davao del Norte
Compostela Valley
Northern Davao Oriental
Northern Davao del Sur
North Cotabato
Bukidnon
Misamis Oriental
Camiguin

Posibleng maglandfall ang bagyo mamayang gabi o bukas ng umaga sa bahagi ng CARAGA-Surigao area.

Asahan ang paminsan-minsang pag-ulan sa Northern Mindanao, CARAGA at natitirang bahagi ng Davao region.

Sa Lunes (Dec. 25), araw ng pasko ay inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo.

Facebook Comments