WEATHER UPDATE | Bagyong Vinta, lumakas at naging ganap na typhoon

Manila, Philippines – Ganap ng typhoon ang bagyong Vinta habang papalabas ito ng Philippine Area of Responsibility.

Huling namataan ang bagyo sa layong 355 kilometro, timog-timog silangan ng Pag-Asa Island, Palawan.

Lumakas ang dala nitong hanging aabot sa 120 kilometers per hour at pagbugsong aabot sa 145 kilometers per hour.


Bumilis din ang kilos nito sa 25 kilometers per hour.

Nakataas na lamang ang tropical cyclone warning signal number 1 sa Southern Palawan.

Asahan pa rin ang katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan sa Palawan at pinag-iingat sa posibleng flashfloods at landslides.

Inaasahang lalabas ng PAR ang bagyo ngayong araw.

Facebook Comments