WEATHER UPDATE | Bagyong Vinta, nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility

Manila, Philippines – Nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Vinta.

Huli itong namataan sa 290 kilometro, timog ng Pag-Asa Island, Palawan.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 120 kilometro kada oras at pagbugsong aabot sa 145 kilometro kada oras.


Kumikilos ito pa-kanluran sa bilis na 25 kph.

Wala nang nakataas sa tropical cyclone warning signals.

Sa kabila nito, asahan pa rin ang kalat-kalat na pag-ulan sa Palawan habang mapanganib ding maglayag sa kanlurang baybayin nito.

Facebook Comments