WEATHER UPDATE | Binabantayang LPA, bagyong Henry na

Isa nang ganap ng tropical depression ang binabantayang Low Pressure Area (LPA) sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ayon sa PAGASA, tatawagin itong bagyong Henry.

Huling namataan ang bagyo sa layong 710 kilometro, silangan ng Calayan, Cagayan.


Ito ay may lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour at pagbugsong nasa 65 kilometers per hour.

Kumikilos ito sa direksyong west southwest sa bilis na 25 kilometers per hour.

Nakataas na ang tropical cyclone warning signal number 1:
– Batanes
– Hilagang bahagi ng Cagayan kasama ang Babuyan Islands
– Hilagang bahagi ng Apayao
– Hilagang bahagi ng Ilocos Norte

Asahan sa mga nabanggit na lugar ang madalas na pag-ulan na may hampas ng hangin.

Apektado naman ng hanging habagat Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Mindoro, Palawan at Western Visayas.

Makararanas naman ng kalat-kalat na pag-uulan, pagkulog at pagkidlat ang Metro Manila, natitirang bahagi ng central Luzon, Calabarzon, Marinduque at Romblon.

Facebook Comments