Lalong lumakas ang binabantayang Low Pressure Area (LPA).
Huling namataan ang LPA sa layong 1,125 kilometers silangan ng Aparri, Cagayan.
Kapag naging bagyo ito ay tatawagin itong ‘Florita’.
Palalakasin ng LPA ang hanging habagat.
Sa Luzon, may mahihinang ulan sa Ilocos Region, Zambales, Bataan, Mindoro at Palawan.
May thunderstorms naman sa Central at Southern Luzon kasama na ang Calabarzon at Bicol Region.
Maghapon ang ulan sa isla ng Panay at Negros sa Kabisayaan.
Sa Mindanao, may mahihinang ulan sa CARAGA at ARMM.
Maulap at may posibilidad ng thunderstorms sa Metro Manila.
Sunrise: 5:30 ng umaga
Sunset: 6:29 ng gabi
Facebook Comments