WEATHER UPDATE | Binabantayang LPA, lusaw na

Manila, Philippines – Tuluyan nang nalusaw ang LPA matapos magpaulan sa Eastern Visayas.

Pero patuloy pa ring uulanin ang ilang bahagi ng bansa dahil sa hanging amihan at tail-end of cold front.

Maghapon ang ulan sa Bicol Region kasama na ang Cagayan Valley, Aurora at Quezon Province.


Buong araw din ang ulan sa Visayas lalo na sa Samar at Leyte.

Ganito rin ang asahang panahon sa Mindanao partikular sa Caraga at Davao Region.

Sa Metro Manila, magiging maulap at posibleng umulan pagdating ng hapon

Agwat ng temperatura sa Metro Manila mula 24 hanggang 31 degrees celsius.

Sunrise: 6:25 ng umaga
Sunset: 5:52 ng hapon

Facebook Comments