Manila, Philippines – Pumasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang binabantayang Low Pressure Area ng PAGASA.
Alas-tres kaninang madaling araw nang mamataan ito sa layong 960 kilometers east ng Hinatuan, Surigao Del Sur.
Ayon sa PAGASA – bukas, January 1 ay posibleng maging bagyo ang Low Pressure Area at ito ay papangalanang “Agaton”.
Kapag naging bagyo, tutumbukin nito ang Eastern Visayas at Eastern Mindanao kung saan din ito posibleng mag-landfall.
Tail end of a cold front pa rin ang nakaaapekto sa Bicol Region at Eastern Visayas ngayong araw.
Habang northeast monsoon o hanging amihan ang nagpapaulan sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Aurora, Quezon, Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon.
Facebook Comments