WEATHER UPDATE | Binabantayang LPA, namataan sa Guiuan, Eastern Samar

Eastern Samar – Binabantayan pa rin ang Low Pressure Area (LPA) na nasa 540 kilometers, silangan ng Guiuan, Eastern Samar.

Asahan ang ulang dala ng LPA sa Caraga, Northern Mindanao at Davao Region.

Buong araw ang ulan sa Samar at Leyte habang ang natitirang bahagi ng Visayas ay magiging maaliwalas nag panahon.


Sa Luzon, may katamtamang ulan sa Cagayan Valley, Cordillera AT Aurora dala ng hanging amihan.

Sa Metro Manila, magiging maaliwalas ang panahon.

Facebook Comments