WEATHER UPDATE | Binabantayang LPA, nananatili pa rin sa loob ng PAR

36

Nananatili sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang binabantayang Low Pressure Area (LPA).

Ito ay namataan 1,025 kilometers silangan ng Basco, Batanes.

Patuloy nitong palalakasin ang hanging habagat.

Asahan ang ulan sa halos buong Luzon.

Mataas ang posibilidad ng mataas na ulan sa kanlurang bahagi ng Visayas.

Buong araw naman ang ulan sa Zamboanga Peninsula at Sulu Archipelago.

Sa Metro Manila, posibleng umulan sa hapon o gabi.

Sunrise: 5:44 ng umaga
Sunset: 6:04 ng gabi

Facebook Comments