WEATHER UPDATE | Binabantayang LPA, wala pang direktang epekto sa bansa

Manila, Philippines – Wala pang direktang epekto sa bansa ang binabantayang Low Pressure Area (LPA) sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Sa huling monitoring ng PAGASA, namataan ang LPA sa layong 2000 kilometers silangan ng Mindanao.

Sa ngayon, hanging amihan pa rin ang nagdadala ng mga isolated light rains partikular sa Batanes at Babuyan Group of Islands.


Nananatili namang maaliwalas ang panahon sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa maliban sa mga pulo-pulong pag-ulan at thunderstorm.

Agwat ng temperatura sa Kamaynilaan: 24 to 33 degree celsius.

Facebook Comments