WEATHER UPDATE | Bugso ng hanging amihan, naramdaman sa hilagang bahagi ng bansa

Manila, Philippines – Naramdaman muli ang bugso ng hanging amihan sa hilagang bahagi ng bansa.

Ayon sa PAG-ASA, bagamat hindi na kasing-lamig noong peak season ay bumagsak ang temperatura sa 15.5°c sa Baguio City, 17°c sa Batanes at 17.7°c sa Tanay,Rizal.

Naitala naman ang 24°c na temperatura sa Science Garden sa Quezon City.


Magkakaroon naman ng isolated rainshowers sa Eastern Visayas at Caraga region.

Asahan ang malamig na umaga sa Metro Manila at mababa ang tiyansa ng ulan sa buong maghapon.

Facebook Comments