Buong Luzon na ang naapektuhan ng northeast monsoon o hanging amihan.
Huwag munang masyadong umasang bababa ng temperatura agad, dahil ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Loriedin Dela Cruz – umiiral pa rin kasi ang hangin galing Pacific Ocean na nagdadala ng mainit at maalinsangang panahon.
Pero magdala pa rin ng payong kahit maganda ang panahon ay makararanas pa rin ng isolated thunderstorms.
Sa Visayas at Mindanao ay mananatiling maaliwalas ang panahon maliban sa mga pag-ulan sa Samar at Leyte dulot ng easterlies.
Facebook Comments