Dalawang Low Pressure Area (LPA) ang namataan sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ang unang LPA ay nasa 980 kilometers silangan, timog-silangan ng hinatuan, Surigao del Sur at posibleng maging bagyo ngayong weekend.
Kikilos ang unang LPA sa direksyon ng silangang Visayas at hilagang Mindanao.
Ang ikalawang lpa ay 115 kilometers timog, timog-kanluran ng Puerto Princesa, Palawan at mataas ang tiyansang maging bagyo.
Nagpapaulan na ang ikalawang LPA sa buong palawan.
Palalakasin ng dalawang LPA ang hanging habagat ang southwest monsoon na magiging hudyat ng tag-ulan.
Asahan naman ang maulang panahon sa buong Luzon pagdating ng hapon.
Maghapon ang ulan sa Visayas at Mindanao dulot ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ).
Sa Metro Manila, mananatiling mainit kung saan papalo sa 40°c ang heat index.
*Sunrise: 5:26 ng umaga*
*Sunset: 6:22 ng hapon*