Uulanin ang kanlurang bahagi ng luzon dahil sa hanging habagat.
Pero patuloy na binabantayan ang namumuong sama ng panahon sa labas ng Philippine Area of Responsilbity (PAR) layong 675 kilometers Kanluran ng Basco, Batanes
Mayroon ding namumuong kaulapan sa silangang bahagi ng Mindanao.
Sumilong muna sa mga bahay sa Tam-Awan Village sa Baguio dahil dala ng habagat ang maulap na panahon na may paminsan-minsang malalakas na pag-ulan sa Cordillera, Ilocos Region, Zambales, Bataan, maging ang Batanes at Babuyan Group of Islands.
Pasyalan ang Cabadbaran Ancestral Houses sa Agusan del Norte dahil maaliwalas ang panahon sa buong kabisayas at Mindanao.
Sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng Luzon ay magiging maganda na ang panahon.
Facebook Comments