Manila, Philippines – Patuloy na umiiral sa bansa ang Easterlies at Inter Tropical Convergence Zone (ITCZ).
Ayon sa pagasa, papunta pa lamang sa kalagitanaan ng summer o dry season kaya asahan na ang mainit at maalinsanagan na temperatura na mararanasan.
Ngayong araw, buong Mindanao ang siyang direktang naapektuhan ng Inter Tropical Convergence Zone kaya magiging maulap ang kalangitan nito na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkidlat at pagkulog.
Ang Luzon at Visayas ay bahagayang maulap hanggang sa maulap ang mararansan kung sana magiging maganda ang lagay ng panahon.
Wala din gale warning na inilabas ang pagasa kaya malayang maglayag ang mga mangingisda sa anumang parte ng bansa.
Facebook Comments