WEATHER UPDATE | Easterlies, magdadala ng maalinsangang panahon sa silangang bahagi ng bansa

Tulad sa isang relasyon, minsan kailangang mag-“cool off” ang hanging amihan kasi ay hindi nakakaapekto ngayon sa bansa.

Paliwanag ni DOST-PAGASA weather specialist Ariel Rojas – nagkaroon kasi ng monsoon break kaya hindi umiiral ang malamig na amihan sa kapuluan.

Sa ngayon, bumalik muli ang easterlies na magdadala ng maalinsangang panahon sa bansa.


Ang luzon kasama na ang Metro Manila ay magkakaroon ng maaliwalas na panahon na may posibilidad ng ulan sa hapon o gabi.

Magiging maganda ang panahon sa buong Kabisayaan at Mindanao.

Walang nakataas na gale warning kaya pwedeng pumalaot ang mga mangingisda at maliliit na sasakyang pandagat.

Facebook Comments