Manila, Philippines – Patuloy na umiiral ang easterlies sa silangang bahagi
ng bansa.
Asahan ang maulang panahon sa Northern Luzon, Central Luzon at halos buong
Mindanao.
Sa Metro Manila, magiging maalinsangan pero may tyansa ng ulan sa hapon o
gabi.
Naganap na kanilang alas-12:00 ng madaling araw ang Spring Equinox o ang
araw kung saan pantay ang haba ng umaga at gabi.
Hudyat ito ng pagsisimula ng tag-sibol sa northern hemisphere o hilagang
bahagi ng mundo.
Pagkatapos nito, unti-unting hahaba na ang araw kaysa sa gabi.
Sunrise: 6:00 ng umaga
Sunset: 6:07 ng hapon
Facebook Comments