Manila, Philippines – Posibleng maranasan ang El Niño ngayong taon.
Ayon kay PAGASA Climate Monitoring and Prediction Section OIC Ana Liza Solis, base sa huling datos ng world meteorological organization ay nakikita ang unti-unting pagtaas ng temperature tropical pacific.
Aniya, sa huling bahagi o fourth quarter ng taon posibleng maranasan ang mahinang El Niño.
Dagdag pa ni Solis, ang neutral condition, ibig sabihin ay walang El Niño o La Niña ay mananaig mula Hunyo hanggang Agosto.
Magkakaroon lamang ng below o normal rainfall sa ilang bahagi ng bansa mula Hulyo hanggang Disyembre.
Facebook Comments