WEATHER UPDATE | Epekto ng amihan, humina

Manila, Philippines – Bahagyang humina ang epekto ng amihan na kasalukuyang umiiral sa dulong hilaga ng Luzon kaya asahan na maulap na kalangitan, na may katamtamang pag-ulan sa Batanes, Cagayan, Apayao at Ilocos Norte.

Posibleng ulanin ang weekend getaway niyo dahil makakaranas ng pag-ulan ang Metro Manila, iba pang lugar sa Luzon, buong Kabisayaan at Mindanao dala ng isolated thunderstorms paratikular mamayang hapon hanggang gabi.

Nakataas din ang Gale Warning sa hilagang baybayin dagat ng Hilagang Luzon kaya’t pinag-iingat ang mga papalaot sa nasabing lugar na gagamit ng malilit na sasakyang pandagat.


Samantalahin na din ang malamig na umaga dahil bahagyang hihina pa ang hanging amihan sa susunod na linggo.

Metro Manila 23-24 degree celcuis
Baguio City 15-21 degree celcius
Metro Cebu 25-31 degree celcius

Sunrise – 6:22am
Sunset – 5:40pm

Facebook Comments