WEATHER UPDATE | Flash flood at landslide, ibinabala ng PAGASA

Manila, Philippines – Nagbabala ang PAGASA sa mga banta ng flashfloods at landslides sa ilang lugar.

Ito ay dulot ng mga pag-ulan sa CALABARZON, Bicol Region, Eastern Visayas, Caraga at Davao Region.

Ang tail-end of cold front ay patuloy na nakakaapekto sa silangang bahagi ng Southern Luzon habang ang easterlies ay sa Mindanao.


Patuloy din ang pag-iral ng hanging amihan sa Northern at Central Luzon.

Asahan ang mga mahihinang pag-ulan sa Metro Manila, Cagayan Valley, Cordillera at Aurora.

Magkakaroon naman ng localized thunderstorms sa Visayas at Mindanao.

Baguio – 17 °c
Tagaytay – 22 °c
Metro Manila – 26°c

Sunrise: 6:19 ng umaga
Sunset: 5:36 ng hapon

Facebook Comments