WEATHER UPDATE | Habagat, bahagyang humina; Pilipinas, hindi apektado ng 2 bagyo sa labas ng PAR

Kung ikukumpara noong nakaraang lingo magiging maayos ang panahon sa ilang lugar sa bansa kabilang na ang Metro Manila.

Ayon sa Weather Bureau, hindi na kalakasan ang habagat kahit pa may dalawang bagyo sa labas ng Philippine Area of Responsibility.

Nasa mainland China na kasi ang bagyong Rumbia at hindi na nakakaapekto sa habagat habang ang bagyong Soulik ay nasa Pacific Ocean.


Sa Luzon, asahan ang isolated rainshower sa Zambalez, Bataan Provinces, ilang bahagi ng Central Luzon, Occidental Mindoro, Palawan at Bicol region habang may thunderstorm sa Cordillera at Cagayan Valley.

Dito sa Metro Manila, may posibilidad ng scattered rainshower sa hapon pero hindi na malawakan ang magiging pag-ulan.

Sa Visayas, may mahinang ulan sa western section gayundin sa Samar at Leyte Provinces.

Sa Mindanao, thunderstorm ang magpapaulan sa Zamboanga Peninsula, Sulu, Caraga Region at Davao Region.

Facebook Comments