WEATHER UPDATE | Hanging Amihan, muling bumalik ngayong araw

Manila, Philippines – Muling bumalik ang Northeast Monsoon o hanging Amihan ngayong araw.

Ibig sabihin ayon sa PAGASA, apektado ng Amihan ang Northern Luzon habang easterlies ang nakakaapekto sa silangang bahagi ng bansa.

Samantala, asahan nang makakaranas ng mga kalat-kalat at mahihinang pag-ulan sa Luzon lalo na sa Cagayan Valley Region at Cordillera Region.


Ang Ilocos Region naman ay makakaranas ng isolated light rains dahil sa hanging Amihan.

Wala namang magiging problema sa Visayas dahil ayon sa PAGASA, magiging maganda ang lagay ng panahon doon ngayon.

Facebook Comments