WEATHER UPDATE | Hanging Amihan, muling umiiral sa hilagang Luzon

Manila, Philippines – Umiiral muli ang hanging amihan sa hilagang Luzon.

Ayon sa PAGASA, magdadala ito ng maulap na kalangitan na may mahihinang
ulan sa Cagayan Valley, Cordillera, Ilocos Provinces at Aurora.

Apektado rin nito ang taas ng alon sa mga baybayin ng Batanes, Calayan at
Babuyan Group Of Islands maging sa Ilocos Norte at Isabela kung saan
delikado para sa mga maliliit na sasakyang pandagat.


Nakakaapekto naman ang easterlies sa silangang bahagi ng bansa.

Dala nito ang mainit na panahon at thunderstorms sa hapon.

Sa Metro Manila, katamtaman ang init dahil aabot lang sa 33°c ang heat
index.

Sunrise: 5:59 ng umaga

Sunset: 6:07 ng gabi

<#m_-8057839995867217851_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>

Facebook Comments