Maliban sa malamig na panahon, asahan ang ulang hatid ng northeast monsoon o hanging amihan sa ilang bahagi ng Luzon.
Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Chris Perez – bubuhos ang mahina hanggang sa katamtamang ulan lalo na sa Central Luzon at maging sa Metro Manila.
Mananatili ang maaliwalas ang preskong panahon sa nalalabing bahagi ng Kabisayaan at Mindanao.
Mapanganib maglayag para sa mga mangingisda at maliliit na sasakyang pandagat ang mga baybayin ng Northern Luzon, silangang bahagi ng Central at Southern Luzon at silangang bahagi ng Eastern Visayas.
Facebook Comments