WEATHER UPDATE | Hanging amihan, umiiral sa Northern at Central Luzon

Mananatili ang maganda ang panahon sa buong bansa ngayong araw.

Ang northeast monsoon o hanging amihan lamang ang umiiral partikular sa hilaga at gitnang Luzon.

Kahit malamig na panahon ang hatid ng amihan, asahang magdadala rin ito ng pag-ulan sa Ilocos, Cordillera, Cagayan Valley at Central Luzon.


Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Ariel Rojas – mainit pero maaliwalas ang panahong mararanasan sa Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon.

Sa Visayas at Mindanao, mananatili rin ang maaliwalas ang panahon.

Walang nakataas na gale warning, kaya maari pa ring pumalaot ang mga kababayang mangingisda at maliit na sasakyang pandagat.

Facebook Comments