WEATHER UPDATE | Hanging habagat bahagyang humina – PAGASA

Bahagyang humina ang hanging habagat na nagpaulan sa ilang lugar sa bansa.

Ayon sa PAGASA, muling lalakas ang southwest monsoon sa susunod na dalawa o tatlong araw.

Pero asahan pa rin ang mga isolated thunderstorms sa malaking bahagi ng Luzon sa hapon o gabi lalong-lalo na sa Ilocos Region at Central Luzon.


Buong Visayas din ay makakaranas ng ulan sa hapon.

Sa Mindanao partikular sa Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao at Caraga Region ay makakaranas ng mahina hanggang sa katamtamang ulan.

Sa Metro Manila, mainit at maalinsangan pero asahan ang ulan sa dakong hapon o gabi.

*Sunrise: 5:29 ng umaga*
*Sunset: 6:28 ng gabi*

Facebook Comments