WEATHER UPDATE | Hanging habagat, patuloy na magpapaulan sa ilang bahagi ng Luzon

Ilang bahagi pa rin ang Luzon ang bahagyang maapektuhan ng southwest monsoon o hanging habagat.

Maaliwalas ang panahon sa natitirang bahagi ng Luzon habang maulap na may mahihinang ulan ang mararanasan sa Ilocos Region, Cordillera, Bataan at Zambales.

Maganda ang panahon sa Visayas at Mindanao maliban sa mga isolated thunderstorms.


Delikado pa ring maglayag sa mga baybayin ng Batanes, Calayan, Babuyan, hilagang baybayin ng Cagayan, Ilocos Provinces, La Union, Pangasinan.

*Sunrise: 5:27 ng umaga*
*Sunset: 6:27 ng gabi*

Facebook Comments