Nasa loob pa rin ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang binabantayang Low Pressure Area (LPA).
Huli itong namataan sa layong 735 kilometers east – northeast ng Basco, Batanes.
Patuloy nitong hinahatak ng hanging habagat.
Pero unti-unti nang bubuti ang panahon sa ilang bahagi ng bansa.
Asahan naman ang pabugso-bugsong ulan sa kanlurang bahagi ng Luzon partikular sa Ilocos Region, Zambales, Bataan, Mindoro at Palawan.
Sa Metro Manila, may minsang malakas ang ulan pagdating ng hapon o gabi.
Sa Visayas, may katamtamang ulan sa probinsya ng Iloilo at Antique.
Maaliwalas ang panahon sa halos buong Mindanao.
Sunrise: 5:42 ng umaga
Sunset: 6:19 ng hapon
Facebook Comments