Pinalalakas ng dalawang bagyo na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang hanging habagat.
Ito ang typhoon na may international name na ‘Soulik’ na nasa silangan – hilagang silangan ng northern Luzon.
Nasa Pacific Ocean naman ang severe tropical storm na may international name na ‘Cimaron’
Asahan ang katamtamang ulan sa extreme northern Luzon, Ilocos Region, Bataan at Zambales.
May pag-ulan pa ring mararanasan sa Western Visayas at Zamboanga Sibugay, Zamboanga del Sur at Sulu.
Sa Metro Manila, may posibilidad pa rin ng ulan sa dakong hapon hanggang madaling araw.
Sunrise: 5:43 ng umaga
Sunset: 6:15 ng gabi
Facebook Comments