WEATHER UPDATE | Heavy rainfall warning, nakataas ngayon sa Cavite, Bataan at Batangas

Nakataas ngayon ang heavy rainfall warning ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA sa ilang lugar sa Luzon.

Yellow warning ang nakataas ngayon sa Cavite, Bataan at Batangas.

Sa ilalim nito, aabot sa 7.5 hanggang 15mm ang inaasahang ibubuhos na ulan sa loob ng isa hanggang dalawang oras.


Pinapayuhan ang mga residente sa mga mabababang lugar sa posibilidad ng pagguho ng lupa at pagbaha.

Bagaman at nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Ester, magpapa-ulan pa rin sa malaking bahagi ng bansa ang hanging habagat.

Samantala, suspendido naman ang klase ngayong araw sa kolehiyo sa Olonggapo City, Zambales dahil sa malakas na pag-ulan.

Ilang residente din ang apektado ng pagbaha sa lungsod matapos na umapaw ang tubig sa ilog.

Facebook Comments