WEATHER UPDATE | Heavy rainfall warning sa Bataan, inalis na ng PAGASA

Inalis na ng PAGASA ang heavy rainfall warning sa lalawigan ng Bataan.

Pero ayon sa PAGASA, hahatakin pa rin ng Low Pressure Area (LPA) ang habagat na magdudulot pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon.

Dahil dito, asahan pa rin ang mahina hanggang sa katamtaman na kung minsan ay malakas na buhos ng ulan sa Batangas, Cavite at Zambales sa susunod na tatlong oras.


Facebook Comments