Kahit humina ang hanging habagat, magiging maulan pa rin sa ilang bahagi ng bansa.
Umiiral kasi ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa katimugang Luzon at kaBisayaan.
Maghapong ulan ang asahan sa Cagayan Valley, Aurora, Calabarzon, MIMAROPA at Bicol region habang uulanin na ang buong Luzon sa hapon.
Buong araw uulanin ang Visayas habang magiging maulan na sa Zamboanga Peninsula at may thunderstorms sa northern Mindanao at CARAGA Region.
Sa Metro Manila, manatiling handa sa mga thunderstorms sa hapon o gabi.
*Sunrise: 5:29 ng umaga*
*Sunset: 6:28 ng gabi*
Facebook Comments