WEATHER UPDATE | Ilang bahagi ng bansa, uulanin dahil sa LPA

Manila, Philippines – Lumakas pa ang malamig na hanging dala ng northeast monsoon o amihan.

Napipigilan din ng amihan ang paglakas ng Low Pressure Area (LPA) na nasa 485 kilometers silangan ng Davao City, Davao Del Sur.

Pero magdadala pa rin ng pag-ulan ang LPA sa Caraga at Davao Region sa Mindanao.


May mahihinang pag-ulan sa Eastern Visayas partikular sa Samar at Leyte.

Buong araw namang may pag-ulan sa Cagayan Valley habang hindi magtatagal ang mga pag-ulang nararanasan sa Apayao at Kalinga.

Sa Metro Manila, maulap pero may tyansa ang ulan pagdating ng hapon.

Temperatura sa Metro Manila – 22-29°c

Sunrise: 6:22 ng umaga
Sunset: 5:58 ng hapon

Facebook Comments