WEATHER UPDATE | Ilang bahagi ng Eastern Visayas at Mindanao, uulanin dahil sa LPA

Manila, Philippines – Magpapaulan sa bahagi ng Eastern Visayas at Mindanao ang Low Pressure Area na nasa bansa.

Huling namataan ang LPA sa layong 505 kilometers silangan ng Hinatuan, Surigao Del Sur.

Habang nakakaapekto naman ang Northeast Monsoon sa Cagayan Valley Region, Cordillera Administrative Region at Aurora.


Bahagyang pag-ulan naman ang mararanasan sa Ilocos Region, at Central Luzon.

Samantala, dahil sa sama ng panahon, kanselado ngayong araw ang flights ng Cebu Pacific at Pal Express na biyaheng Manila-Ozamiz-Manila at Manila-Dipolog-Manila.

Facebook Comments