WEATHER UPDATE | Ilang lugar sa bansa, makararanas ng pag-ulan

Manila, Philippines – Patuloy na makakaapekto ang Northeast Monsoon sa dulong Hilagang Luzon.

Bunsod nito, patuloy na makakaranas ang Batanes at Babuyan Group of Islands ng mga kalat-kalat na pag-ulan.

Magkakaroon din ng isolated rainshower sa Ilocos Region at Cagayan Valley.


Ang easterlies naman ang nakakaapekto sa Eastern Visayas, Surigao Provinces, Dinagat Islands, Compostela Valley at Davao Oriental.

Habang ang Metro Manila ay nalalabing bahagi ng Luzon, Visayas at Mindano ay apektado naman ng localized thunderstorms.

Facebook Comments