Patuloy pa rin binabantayan ang Low Pressure Area (LPA) na nasa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Huling namataan ang LPA sa layong 200 kilometers ng hilagang silangan Borongan City, Eastern Samar.
Dahil dito, asahan na ang maulap na kalangitan na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan sa Metro Manila, Gitnang Luzon, Calabarzon, Bicol Region, Mimaropa at Kabisayaan.
Maaliwalas na panahon ang mararanasan sa nalalabing bahagi ng bansa pero may posibilidad pa rin ng panandaliang buhos ng ulan na dala ng mga localized thunderstorm.
Samantala, isang bagyo na may international name na Jebi ang namataan sa layong 1,945 kilometro ng silangan ng Aparri, Cagayan.
Taglay nito ang lakas ng hanging na nasa 205 kilometro kada oras at may pagbugsong aabot sa 255 kilometro kada oras.
Kumikilos ito pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 25 kilometro kada oras.
Mababa naman ang tyansang mag-land fall ito sa bansa oras na pumasok sa bansa.
Sunrise: 5:44am
Sunset: 6:08pm