Manila, Philippines – Umiiral ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa silangang bahagi ng bansa.
Ito ay ang pagsasanib ng northeasterly flow at southeasterly flow.
Magdadala ito ang thunderstorms.
Asahan ang ganitong panahon sa Caraga, Davao at Zamboanga Peninsula.
Magiging maulan sa Western Visayas sa umaga habang sa hapon ay kasama na ang natitirang bahagi ng Visayas.
Sa Luzon, maaliwalas ang panahon maliban sa mga mahihinang ulan sa Bicol region.
Dahil araw ng Biyernes, magandang gumimik sa Metro Manila ngayong araw pero aabot naman sa 39°c ang heat index.
Sunrise: 5:39 ng umaga Sunset: 6:10 ng gabi
Facebook Comments