WEATHER UPDATE | Isang bagyo, namataan sa labas ng PAR

Isang bagyo ang patuloy na binabantayan ng PAGASA na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ito ay namataan sa layong 2,915 km east ng extreme northern Luzon, may taglay na hangin na 90 km per hour malapit sa Central Luzon at pagbugso ng haing na umaabot sa 125 km per hour.

Ito ay kumikilos sa north-northwest sa bilis na 15 km per hour pero hindi naman inaasahan na papasok sa PAR.


Samantala, isang Low Pressure Area (LPA) din ang binabantayan sa labas ng PAR pero hindi ito makaka-apekto sa lagay ng panahon sa bansa.

Hanging habagat naman ang siyang kasalukuyang nakaka-apekto sa ilang lugar sa MIMAROPA, Western Visayas, Zamboanga Peninsula at ARMM.
Sunrise: 5:40am
Sunset: 6:24pm

Facebook Comments