WEATHER UPDATE | ITCZ, patuloy na magdadala ng thunderstorms sa Visayas at Mindanao

Umiiral pa rin ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa bansa.

Ito ay nakakaapekto sa Palawan, buong Visayas at Mindanao.

Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Chris Perez – kaya asahan ang thunderstorms sa mga nabanggit na lalawigan at mga rehiyon.


Sa natitirang bahagi ng Luzon kasama ang Metro Manila ay magiging maulap habang mainit ang panahon.

Pero asahan pa rin ang mga pag-ulan dulot ng mga localized thunderstorms.

Facebook Comments