Patuloy na nakakaapekto ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa ilang bahagi ng bansa.
Magpapaulan ito sa Central at Southern Luzon at sa buong Visayas.
Asahan ang maghapong ulan sa Southern Luzon, Bicol Region, Calabarzon at MIMAROPA habang may thunderstorms sa nalalabing bahagi ng Luzon.
Thunderstorms naman ang mararanasan sa buong Mindanao.
Sa Metro Manila, maulap at mataas ang tiyansang umulan sa hapon.
Sunrise: 5:29 ng umaga
Sunset: 6:28 ng gabi
Facebook Comments